Isang sambayanang Kristiyano na masaya, sama-samang kumikilos at nagtutulungan na may mataas na antas ng pamumuhay at maunlad na pananampalataya
Ang orihinal na Bahay na Dalanginan (Bisita) ng nayon sa pook na ito ay itinayo noon pang panahon ng pananakop ng mga Kastila at nasa ilalim ng pamamahala ng Parokya ng Immaculada Concepcion ng Pasig.
Sa pamamatnubay ng mga Misyonerong CICM at ng Barrio Pastoral Council, isang Multi-Purpose Center ang napalit na nabasbasan ng Kanyang Kabunyiang Jaime Cardinal L. Sin, D.D., Arsobispo ng Maynila noong Mayo 1, 1979.
Abril 26, 1993 nang itatag ang Parokya ng San Guillermo na magkasama ang Barangay Buting at Barangay San Joauin. Itinalagang unang Kura Parokya si Rev. Fr. Jesus-Romulo C. Rañada noong ika-4 ng Hulyo 1993.
Pinasimulan ang pagtayo ng bago at panalaking Simbahan noong ika-2 ng Oktubre 1993 sa tulong at pagsisikap ng Parish Pastoral Council, mga taga-parokya at mga tagapagtangkilik. Natapos at itinalaga noong ika-10 ng Abril 1994 ng Kanyang Kabunyian Jamie Cardinal L. Sin, D.D.
Ang Parokya ng San Guillermo ay binuo ng dati-rating tatlong barrio pastoral councils, ang Buting, San Joaquin at Sitio Ulilang Kawayan.
Ang naging pangalawang Kura Paroko ay si Rev. Fr. Dennis Odiver mula Setyembre 1995 hanggan g Mayo 1997. Sa kanyang pamumuno, naipaayos at napaganda ang San Joaquin Chapel. Nagsagawa ng maraming mga formation seminars para sa mga lider ng simbahan.
*Parish Manual (1997-1998)